Add parallel Print Page Options

Kayong mga sumasalakay sa Nineve, kunin ninyo ang mga pilak at ginto ng lungsod na ito dahil puno ito ng kayamanan. 10 Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat. 11-12 Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang pwedeng manakit sa kanila sa yungib. Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima.[a] Pero ngayon, ang Nineve ay wawasakin na.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:11-12 Ang ibig sabihin nito ay nag-iisip ang mga taga-Nineve na walang gagalaw sa kanila. Sinasalakay nila ang ibang mga bansa, sinasamsam ang mga ari-arian nito at dinadala sa kanilang lugar para ang kanilang mga mamamayan ay makinabang.