Font Size
                  
                
              
            
Nehemias 9:29-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 9:29-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Binabalaan(A) mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,
    ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.
    Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,
sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
30 Maraming(B) taon na pinagtiisan mo sila,
at binalaan ng iyong Espiritu[a] sa pamamagitan ng mga propeta,
    ngunit hindi pa rin sila nakinig.
    Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
Footnotes
- 30 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .