Font Size
Nehemias 1:3-5
Ang Biblia (1978)
Nehemias 1:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay (A)nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.
4 At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y (B)naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.
5 At nagsabi, (C)Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, (D)na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos:
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978