Nehemias 10:31-33
Ang Biblia (1978)
31 At kung ang mga bayan ng lupain ay (A)mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong (B)taon, at ang (C)pagsingil ng bawa't utang.
32 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:
33 (D)Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging (E)handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang (F)kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang (G)itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978