Add parallel Print Page Options

32 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:

33 (A)Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging (B)handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang (C)kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang (D)itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,

34 (E)At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa (F)kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang (G)sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa (H)kautusan.

Read full chapter