Add parallel Print Page Options

35 At upang dalhin ang mga unang (A)bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon:

36 Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, (B)gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios:

37 At upang aming dalhin ang mga (C)unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga (D)silid ng bahay ng aming Dios; at ang (E)ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka't sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran.

Read full chapter