Font Size
Nehemias 11:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 11:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang(A) ibang mga Israelita, mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa templo at ang mga angkan ng mga lingkod ni Solomon ay sa iba't ibang bayan tumira, sa kani-kanilang lupain.
Narito ang mga pangunahing mamamayan ng Juda na nanirahan sa Jerusalem: 4 Mula sa lipi ni Juda: si Ataias na anak ni Uzias at apo ni Zacarias. Kabilang sa kanyang mga ninuno sina Amarias, Sefatias, at Mahalalel na pawang mula sa angkan ni Peres na anak ni Juda. 5 Si Maaseias na anak ni Baruc at apo ni Colhoze. Kabilang sa kanyang mga ninuno sina Hazaias, Adaias, Joiarib at Zacarias mula sa angkan ni Sela.
Read full chapter