Add parallel Print Page Options

Talaan ng Sambahayan ng mga Pari at mga Levita

22 Tungkol sa mga Levita, sa mga araw nina Eliasib, Joiada, Johanan, at ni Jadua, ay naitala ang mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno; gayundin ang mga pari hanggang sa paghahari ni Dario na taga-Persia.

23 Ang mga anak ni Levi, na mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang ay nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.

Ang Pagbabaha-bahagi ng mga Gawain sa Templo

24 Ang mga puno ng mga Levita: sina Hashabias, Sherebias, at si Jeshua na anak ni Cadmiel, at ang kanilang mga kapatid na naglingkod sa tapat nila upang magpuri at magpasalamat, ayon sa utos ni David na tao ng Diyos, pangkat sa bawat pangkat.

Read full chapter