Font Size
Nehemias 12:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 12:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Itinalaga ni Nehemias ang Pader ng Lunsod
27 Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira. 28 Ang mga mang-aawit na mula sa angkan ng mga Levita ay dumating mula pa sa paligid ng Jerusalem at mula sa kapatagan ng Netofa, 29 sa bayan ng Gilgal at sa kapatagan ng Geba at Azmavet.
Read full chapter