Nehemias 12:43-45
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
43 Nang araw na iyon, nag-alay sila ng maraming handog at masayang nagdiwang ang mga tao dahil sa kagalakang dulot sa kanila ng Diyos. Pati mga babae at mga bata ay nagdiwang din kaya't ang ingay nila'y narinig sa malalayong lugar.
Ambagan para sa Pananambahan sa Templo
44 Nang araw ring iyon, nagtalaga sila ng mga lalaking mamamahala sa mga bodegang paglalagyan ng mga kaloob sa Templo gaya ng mga unang bunga at ikasampung bahagi ayon sa Kautusan. Sila ang kukuha ng mga kaloob para sa mga pari at mga Levita mula sa mga bukirin ng mga bayan, sapagkat sila ang inihanda sa paglilingkod sa gawaing ito. Nagalak naman ang mga taga-Juda sa mga pari at mga Levita, 45 sapagkat(A) tinupad nila ang utos ng Diyos tungkol sa pagiging malinis. Gumanap din ng kani-kanilang tungkulin ang mga mang-aawit at mga bantay ayon sa iniutos ni David, at ng anak nitong si Solomon.
Read full chapter