Font Size
Nehemias 13:1-3
Ang Biblia, 2001
Nehemias 13:1-3
Ang Biblia, 2001
Paghiwalay sa mga Taga-ibang Bansa
13 Nang(A) araw na iyon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pandinig ng taong-bayan; at doo'y natagpuang nakasulat na walang Ammonita o Moabita na dapat pumasok sa kapulungan ng Diyos magpakailanman;
2 sapagkat(B) hindi nila pinasalubungan ang mga anak ni Israel ng tinapay at tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila—gayunma'y ginawang pagpapala ng aming Diyos ang sumpa.
3 Nang marinig ng taong-bayan ang kautusan, inihiwalay nila sa Israel ang lahat ng nagmula sa ibang mga bansa.
Read full chapter