Add parallel Print Page Options

11 Kaya't nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, “Bakit pinababayaan ang bahay ng Diyos?” At tinipon ko sila at inilagay sa kani-kanilang mga lugar.

12 Nang(A) magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasampung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis sa mga bahay-imbakan.

13 Hinirang kong mga ingat-yaman sa mga bahay-imbakan sina Shelemias na pari, si Zadok na eskriba, at sa mga Levita, si Pedaya; at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zacur, na anak ni Matanias: sapagkat sila'y ibinilang na mga tapat; at ang kanilang katungkulan ay mamahagi sa kanilang mga kapatid.

Read full chapter