Add parallel Print Page Options

Si Tobias ay pinaalis sa templo.

Bago nga nangyari ito, si (A)Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay (B)Tobias.

Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na (C)kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.

Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: (D)sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na (E)hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

Read full chapter