Add parallel Print Page Options

Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri.

Itinayo ng mga anak ni Hasena ang pintuan na tinatawag na Isda.[a] Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.

Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Meremot na anak ni Uria at apo ni Hakoz. Ang kasunod na bahagi namaʼy itinayo ni Meshulam na anak ni Berekia at apo ni Meshezabel. Sumunod naman ay si Zadok na anak ni Baana.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:3 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito pinararaan ang mga isda na dinadala sa lungsod.