Font Size
Nehemias 4:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Nehemias 4:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Huwag nʼyo po silang patawarin dahil sa panghahamak[a] nila sa inyo sa harap naming mga gumagawa ng pader.”
6 Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa. 7 Ngunit nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobia, at ng mga taga-Arabia, taga-Ammon, at mga taga-Ashdod na patuloy ang pagtatayo ng pader ng Jerusalem at natakpan na ang mga butas nito, galit na galit sila.
Read full chapterFootnotes
- 4:5 panghahamak: o, pagpapagalit.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®