Add parallel Print Page Options

12 Nang magkagayo'y sinabi nila, Aming isasauli, at wala kaming hihilingin sa kanila; gayon namin gagawin, gaya ng iyong sinasabi. Nang magkagayo'y tinawag ko ang mga saserdote (A)at pinanumpa ko sila, na sila'y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito.

13 (B)Ipinagpag ko naman ang aking laylayan, at ako'y nagsabi, Ganito ipagpag ng Dios ang bawa't tao mula sa kaniyang bahay, at mula sa kaniyang gawain, na hindi tumupad ng pangakong ito; sa makatuwid baga'y ganito ipagpag siya, at mahungkag. At ang buong kapisanan ay nagsabi, (C)Siya nawa, at pumuri sa Panginoon. At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito.

14 Bukod dito'y mula sa panahon na ako'y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda, mula sa (D)ikadalawang pung taon hanggang sa (E)ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari, sa makatuwid baga'y labing dalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi (F)nagsikain ng tinapay ng tagapamahala.

Read full chapter