Font Size
Nehemias 5:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 5:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Labis akong nagalit nang marinig ko ang mga reklamong ito. 7 Nagpasya(A) akong harapin ang mga pinuno at mga hukom. Pinaratangan ko sila ng ganito: “Ano't nagawa ninyong magpautang nang may tubo sa inyong mga kababayan?”
Kaya't tinipon ko ang mga tao sa isang pangkalahatang pulong. 8 Sinabi ko, “Sinikap nating mapalaya ang ating kapwa-Judio na naipagbili sa ibang bansa. Ngayon nama'y kayo ang nanggigipit sa kanila upang ipagbili ang kanilang sarili sa inyo na mga kapwa nila Judio!” Hindi makapagsalita ang mga pinuno.
Read full chapter