Font Size
Nehemias 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Sa ikalimang pagkakataon ay inanyayahan akong muli ni Sanbalat sa pamamagitan ng isang bukás na liham na 6 ganito ang mensahe:
“Balitang-balita sa iba't ibang bansa at pinapatunayan ni Gesem[a] na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik, kaya itinatayo mong muli ang pader. May balita pang gusto mong maging hari. 7 Sinasabi pang may mga propeta kang inutusan upang ipahayag sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na alam na ito ng hari, kaya pumarito ka agad at pag-usapan natin ang bagay na ito.”
Read full chapterFootnotes
- 6 Gesem: Sa tekstong Hebreo ay Gasmu .