Nehemias 7:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang pintuang-bayan ay sara sa gabi.
7 Nangyari nga (A)nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.
2 Na aking ibinigay kay (B)Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.
3 At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978