Nehemias 8:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Sa gayo'y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa't isa'y sa (A)bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa (B)luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, (C)at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim.
17 At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka't mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay (D)hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan.
18 Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang (E)aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978