Add parallel Print Page Options

11 Sa(A) kanilang harapa'y hinati mo ang dagat,
    at sa gitna nito'y dumaan sila sa tuyong lupa.
Ang mga humabol sa kanila'y nilunod mong lahat,
    parang mga batong lumubog sa nagngangalit na dagat.
12 Pinatnubayan(B) mo sila ng haliging ulap kung araw,
    at haliging apoy kung gabi, upang matanglawan ang kanilang paglalakbay.
13 Mula(C) sa langit ay bumabâ ka sa Bundok Sinai
    at kinausap mo ang iyong bayan.
    Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan,
    mga batas na maaasahan at mabubuting kautusan.

Read full chapter