Add parallel Print Page Options

12 Pinatnubayan(A) mo sila ng haliging ulap kung araw,
    at haliging apoy kung gabi, upang matanglawan ang kanilang paglalakbay.
13 Mula(B) sa langit ay bumabâ ka sa Bundok Sinai
    at kinausap mo ang iyong bayan.
    Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan,
    mga batas na maaasahan at mabubuting kautusan.
14 Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga
    at ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.

Read full chapter