Nehemias 9:15-17
Ang Biblia (1978)
15 (A)At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at (B)nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na (C)magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.
16 Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.
17 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man (D)inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong (E)kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, (F)banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978