Font Size
Nehemias 9:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 9:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Pinarami(A) mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.
Dinala mo sila sa lupain
na ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.
24 Pinasok(B) nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,
sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.
Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupain
upang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.
25 Pinasok(C) nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.
Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:
mga bahay na puno ng kayamanan,
mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.
Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,
at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.