Nehemias 9:24-26
Magandang Balita Biblia
24 Pinasok(A) nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,
sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.
Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupain
upang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.
25 Pinasok(B) nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.
Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:
mga bahay na puno ng kayamanan,
mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.
Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,
at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.
26 “Ngunit(C) (D) kinalaban ka pa rin nila,
at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.
Pinatay nila ang iyong mga propeta
na isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo.
Patuloy ka nilang hinahamak.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.