Nehemias 9:30-32
Ang Biblia (1978)
30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: (A)kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay (B)hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya (C)at maawaing Dios.
32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, (D)na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang (E)hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, (F)mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978