Font Size
Nehemias 9:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 9:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 Maraming(A) taon na pinagtiisan mo sila,
at binalaan ng iyong Espiritu[a] sa pamamagitan ng mga propeta,
ngunit hindi pa rin sila nakinig.
Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
31 Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,
hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.
Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!
32 “O(B) aming Diyos, napakadakila mong Diyos,
kakila-kilabot ang iyong kapangyarihan.
Tumutupad ka sa iyong kasunduan at mga pangako.
Mula pa nang kami'y sakupin ng mga hari ng Asiria,
hanggang ngayo'y labis ang aming paghihirap.
Naghirap ang aming mga hari at pinuno,
mga pari, mga propeta, at ang mga ninuno.
Ang iyong buong bayan ay dumanas ng kahirapan,
kaya't alalahanin mo ang aming pagdurusa.
Footnotes
- 30 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .