Add parallel Print Page Options

31 Gayunma'y sa iyong dakilang mga kaawaan ay hindi mo sila winakasan o tinalikuran man sila; sapagkat ikaw ay mapagpala at maawaing Diyos.

32 “Kaya't(A) ngayon, aming Diyos, ang dakila, makapangyarihan, at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig, huwag mong ituring na munting bagay sa harapan mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, mga ninuno, at sa iyong buong bayan, mula sa panahon ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.

33 Gayunma'y naging makatarungan ka sa lahat ng sumapit sa amin; sapagkat kumilos kang may katapatan, ngunit kumilos kaming may kasamaan.

Read full chapter