Add parallel Print Page Options

32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, (A)na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang (B)hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, (C)mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.

33 (D)Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:

34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.

Read full chapter