Add parallel Print Page Options

Nakita(A) mo siyang tapat sa inyo
    at gumawa ka ng kasunduan sa kanya.
Ipinangako mo sa kanya at sa kanyang magiging mga anak
    na ibibigay sa kanila ang lupain ng mga Cananeo,
    ng mga Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at Gergeseo.
Tinupad mo ang iyong pangako sa kanila sapagkat ikaw ay tunay na matapat.
“Nakita(B) mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Egipto.
Narinig mo ang pagtangis nila sa Dagat na Pula.[a]
10 Gumawa(C) ka ng mga himala at mga bagay na kamangha-mangha laban sa Faraon,
    laban sa kanyang mga lingkod at sa mga mamamayan ng kanyang lupain,
    sapagkat alam mong pinagmalupitan nila ang aming mga ninuno.
Ang pangalan mo'y tanyag magpahanggang ngayon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Nehemias 9:9 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .