Font Size
Mga Bilang 13:1-16
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 13:1-16
Magandang Balita Biblia
Nagsugo ng Labindalawang Espiya sa Canaan(A)
13 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Pumili ka ng isa sa mga kinikilalang pinuno ng bawat lipi at isugo mo sila upang manmanan ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa inyo.” 3-15 Ganoon nga ang ginawa ni Moises. Kaya't mula sa ilang ng Paran, isinugo niya ang mga sumusunod na pinuno upang magmanman:
Lipi | Pinuno |
---|---|
Ruben | Samua na anak ni Zacur |
Simeon | Safat na anak ni Hori |
Juda | Caleb na anak ni Jefune |
Isacar | Igal na anak ni Jose |
Efraim | Oseas na anak ni Nun |
Benjamin | Palti na anak ni Rafu |
Zebulun | Gadiel na anak ni Sodi |
Manases | Gadi na anak ni Susi |
Dan | Amiel na anak ni Gemali |
Asher | Setur na anak ni Micael |
Neftali | Nahabi na anak ni Vapsi |
Gad | Geuel na anak ni Maqui |
16 Sila ang isinugo ni Moises upang maging espiya sa Canaan; si Oseas na anak ni Nun ay tinawag niyang Josue.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.