Font Size
Obadias 12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Obadias 12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang[a] kapahamakang sinapit
ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda.
Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian.
13 Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan,
ni pinagtawanan ang kanilang kasawian.
At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan
sa panahon ng kanilang kapahamakan.
14 Hindi(A) ka dapat nag-abang sa mga sangang-daan
upang ang mga pugante doon ay hadlangan.
Hindi mo na dapat sila ibinigay sa kalaban
sa araw na iyon ng kanilang kapahamakan.
Footnotes
- 12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang: Sa Hebreo ay Ngunit huwag kang matutuwa sa .