Add parallel Print Page Options

Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga?[a] Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 Kaugalian ng mga Israelita na mag-iwan ng mga bunga ng kanilang mga pananim sa panahon ng pag-ani para sa mga dukha. Tingnan sa Lev. 19:10; Deu. 24:21. Maaaring ganito rin ang kaugalian ng mga taga-Edom.