Font Size
Obadias 5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Obadias 5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 “Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga?[a] Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. 6 Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau. 7 Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo.
Read full chapterFootnotes
- 1:5 Kaugalian ng mga Israelita na mag-iwan ng mga bunga ng kanilang mga pananim sa panahon ng pag-ani para sa mga dukha. Tingnan sa Lev. 19:10; Deu. 24:21. Maaaring ganito rin ang kaugalian ng mga taga-Edom.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®