Add parallel Print Page Options

10 Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. At narinig ko sa aking likuran ang malakas na tinig na katulad ng tunog ng isang trumpeta. 11 Sinabi nito: Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Isulat mo sa isang aklat ang anumang iyong makikita at ipadala mo ito sa mga iglesiya na nasa Asya, sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamo, sa Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicia.

12 At ako ay lumingon upang tingnan ang tinig na nagsa­salita sa akin. Sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong lagayan ng ilawan.

Read full chapter