Font Size
Pahayag 1:2-4
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 1:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Anuman ang nakita ni Juan, pinatotohanan niya ang salita ng Diyos at ang patotoo tungkol kay Jesucristo. 3 Pinagpala siya na bumabasa at sila na nakikinig sa mga salita ng pahayag at tumutupad sa mga bagay na nasusulat dito.
Mga Pagbati at Papuri
4 Akong si Juan ay sumusulat sa pitong iglesiya na nasa Asya.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa kaniya na siyang kasalukuyan, na siyang nakaraan at siyang darating pa at mula sa pitong Espiritu na nakaharap sa kaniyang trono.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International