Add parallel Print Page Options

Mapalad ang bumabasa at ang mga nakikinig sa sulat na ito kung tinutupad nila ang nakasulat dito. Sapagkat ang mga sinasabi rito ay malapit nang mangyari.

Pagbati sa Pitong Iglesya

4-5 Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa probinsya ng Asia.

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang galing sa Dios, sa Espiritu, at kay Jesu-Cristo. Kung tungkol sa Dios, siyaʼy hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap. Kung tungkol sa pitong Espiritu,[a] siyaʼy nasa harapan ng trono ng Dios. At kung tungkol kay Jesu-Cristo, siya ang mapagkakatiwalaang saksi. Siya ang unang nabuhay mula sa mga patay.[b] At siya rin ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo[c] iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:4-5 pitong Espiritu: Ang ibig sabihin, ang kabuuan ng Espiritu. Sapagkat ang bilang na “pito” ay nangangahulugang buo, kumpleto o ganap. Sa ibang salin, pitong espiritu.
  2. 1:4-5 Siya ang unang nabuhay mula sa mga patay na hindi na mamamatay pang muli.
  3. 1:4-5 kanyang dugo: Ang ibig sabihin ay ang kamatayan niya sa krus bilang handog.