Font Size
Pahayag 11:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 11:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Nang(A) oras ding iyon ay lumindol nang napakalakas at nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod at pitong libong tao ang namatay. Ang mga natirang tao ay natakot, at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.
14 Natapos na ang ikalawang lagim, at ang ikatlong lagim ay malapit na.
Ang Ikapitong Trumpeta
15 Pagkatapos ay hinipan(B) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay paghahari na ngayon ng ating Panginoon at ng kanyang Cristo. Maghahari siya magpakailanman!”
Read full chapter