Add parallel Print Page Options

Ang (A) mga saksing ito'y ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa. Kung may magtangkang saktan sila, lalabas sa kanilang bibig ang apoy na lalamon sa kanilang mga kaaway. Sinumang magtatangkang saktan sila ay papatayin sa ganitong paraan. Sila'y (B) may kapangyarihang isara ang langit upang huwag umulan sa mga araw na nagpapahayag sila ng propesiya. At mayroon din silang kapangyarihang gawing dugo ang tubig at bigyan ng anumang uri ng salot ang lupa, anumang oras nila ito naisin.

Read full chapter