Add parallel Print Page Options

12 Dahil dito, magalak kayong mga langit at kayong mga nananahan sa langit. Kaabahan sa inyo na nananahan sa lupa at sa dagat sapagkat ang diyablo ay bumaba na sa inyo. Siya ay may matinding poot dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon.

13 Nang makita ng dragon na inihagis siya ng Diyos salupa, inusig niya ang babae na nagsilang ng batang lalaki. 14 Binigyan ang babae ng dalawang pakpak ng malaking agila upang lumipad siya sa ilang. Doon ay aalagaan siya sa loob ng panahon, ng mga panahon at kalahating panahon mula sa harap ng ahas.

Read full chapter