Font Size
Pahayag 12:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 12:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 ngunit natalo sila, at wala na ring lugar para sa kanila sa langit. 9 At itinapon (A) ang malaking dragon, ang matandang ahas, na tinatawag na Diyablo at Satanas, ang nandaraya sa buong daigdig. Itinapon siya sa lupa, kasama ang kanyang mga anghel.
10 At (B) pagkatapos ay isang malakas na tinig sa langit ang aking narinig:
“Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan,
ang kaharian ng ating Diyos,
at ang pamumuno ng kanyang Cristo,
sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid,
siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating Diyos araw at gabi.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.