Add parallel Print Page Options

10 (A) Sinumang matakdang mabihag,
    sadyang mabibihag;
sinumang matakdang mamatay sa tabak,
    sadyang mamamatay sa tabak.

Ito ay panawagan para sa pagtitiis at katapatan ng mga banal.

11 At pagkatapos isa pang halimaw ang nakita kong umaahon mula sa lupa. Mayroon itong dalawang sungay tulad ng sa kordero ngunit nagsasalita itong parang dragon. 12 Ginagamit nito ang lahat ng kapangyarihan ng halimaw na nauna sa kanya, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang halimaw, siya na may malubhang sugat na gumaling.

Read full chapter