Add parallel Print Page Options

10 Ang sinumang magpapa­bihag ay dadalhin siya sa pagkabihag. Ang sinumang pumatay sa tabak ay sa tabak din sila papatayin. Ito ay nanganga­hulugan na ang mga banal ay dapat magkaroon ng pagtitiis at pananampalataya.

Ang Mabangis na Hayop Mula sa Lupa

11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero at kung magsalita ay katulad ng isang dragon.

12 Ginagamit nito ang lahat ng kapamahalaan ng mabangis na hayop na naunang lumabas sa kaniya. Pinasasamba nito ang lupa at ang mga tao na nananahan rito sa unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay gumaling.

Read full chapter