Add parallel Print Page Options

Ang Mabangis na Hayop Mula sa Lupa

11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero at kung magsalita ay katulad ng isang dragon.

12 Ginagamit nito ang lahat ng kapamahalaan ng mabangis na hayop na naunang lumabas sa kaniya. Pinasasamba nito ang lupa at ang mga tao na nananahan rito sa unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay gumaling. 13 Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao.

Read full chapter