Add parallel Print Page Options

12 Ginagamit nito ang lahat ng kapamahalaan ng mabangis na hayop na naunang lumabas sa kaniya. Pinasasamba nito ang lupa at ang mga tao na nananahan rito sa unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay gumaling. 13 Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao. 14 Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito.

Read full chapter