Add parallel Print Page Options

Ang Awit ng 144,000

14 Pagkatapos ay tumingin (A) ako, at naroon ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isandaan apatnapu't apat na libo na ang pangalan niya at ng kanyang Ama ay nakasulat sa kanilang mga noo. Isang tinig ang narinig ko mula sa langit na parang ingay ng maraming tubig at parang dagundong ng malakas na kulog. Ang tinig na narinig ko ay parang tugtugan ng mga manunugtog ng mga alpa. Umaawit sila ng isang bagong awitin sa harapan ng apat na buháy na nilalang at ng mga matatanda. Hindi kayang matutuhan ng sinuman ang awiting iyon maliban sa isandaan at apatnapu't apat na libong tinubos mula sa lupa.

Read full chapter