Add parallel Print Page Options

11 Ang (A) usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.”

12 Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ng Diyos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus.

13 At pagkatapos isang tinig ang narinig ko mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mula ngayon, pinagpala ang mga namatay dahil sa Panginoon.” “Totoo,” sabi ng Espiritu, “magpapahinga sila mula sa kanilang mga pagpapagal, sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.”

Read full chapter