Font Size
Pahayag 14:11-13
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 14:11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumailanlang magpakailan pa man. Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kaniyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng tatak ng pangalan nito ay walang kapahingahan. 12 Narito ang pagtitiis ng mga banal na tumutupad sa mga utos ng Diyos at nananampalataya kay Jesus.
13 At ako ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Isulat mo ito. Pinagpala ang mga mamamatay sa Panginoon mula ngayon.
Sinabi ng Espiritu: Oo, sila ay dapat na mamahinga mula sa kanilang mga pagpapagal. Susundan sila ng kanilang mga gawa.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International