Add parallel Print Page Options

12 Narito ang pagtitiis ng mga banal na tumutupad sa mga utos ng Diyos at nananampalataya kay Jesus.

13 At ako ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Isulat mo ito. Pinagpala ang mga mama­matay sa Panginoon mula ngayon.

Sinabi ng Espiritu: Oo, sila ay dapat na mamahinga mula sa kanilang mga pagpapagal. Susundan sila ng kanilang mga gawa.

Ang Ani sa Lupa

14 At nakita ko at narito, ang isang puting ulap at sa ibabaw ng ulap ay may isang nakaupo na katulad ng Anak ng Tao. Siya ay may gintong putong sa kaniyang ulo. Sa kaniyang kamay ay may hawak na isang matalas na karit.

Read full chapter