Font Size
Pahayag 14:17-19
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 14:17-19
Ang Salita ng Diyos
17 At isa pang anghel ang lumabas mula sa banal na dako na nasa langit. Siya rin ay may taglay na isang matalas na karit. 18 At may isa pang anghel ang lumabas mula sa dambana. Siya ay may kapamahalaan sa apoy. Tinawag niya sa isang malakas na tinig ang may taglay ng matalas na karit. Sinabi niya: Gamitin mo na ang matalas mong karit. Tipunin mo ang mga buwig ng ubas sa lupa sapagkat hinog na ang mga ubas sa lupa. 19 Inilabas ng anghel ang karit at tinipon ang ubas sa lupa. Inihagis niya ang mga ubas ng lupa sa pisaang-ubas ng poot ng dakilang Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International